HULING BAYAD SA HATINGGABI





Here is my take to Tristan Martin Writes' horror story challenge ( hope its not that crappy haha) about strange rules in a horror story. Sana ok naman ito haha.

Kinse minutos bago alas dose ng madaling araw ng maalimpungatan ako mula sa pag-ring ng aking smart phone. Hindi ko namalayan ang oras at ginawa ko na namang unan ang manibela.

Nang buksan ko ang inbox ay nadismaya ako ng konti sa nabasa. Akala ko pa naman ay pasahero. Yun pala notification lang mula sa management ng transport service na pinagtatrabahuan ko. Muli na naman kaming pinapaalalahanan ukol sa kanilang mga rules para sa mga night shift driver na tulad ko:

PAALALA

1. Huwag kukunin ang huling bayad ng huling pasaherong sasakay
Hindi ko pa natapos i-scan ang buong notification ng bigla ulit nag-ring ang phone ko. Sa wakas may pasahero na pagkatapos ng isang oras na pagaantay.

Tinungo ko ang location ng pasahero sa GPS. Burado na sa isip ko ang paalala ng management; mas nanaig ang kalansing ng pera sa isipan lalo't bayaran na naman ng bills sa susunod na linggo.

Mabilis ang byahe sa ganitong patay na oras. Pwedeng mag-overspeeding. Pwedeng mag-beating the red lights. Kahit parak hindi naman nagtatagal sa ganitong curfew. Malamang tulog na rin sila ngayon.

Pagkababa namin ng Cubao imbes na malutong na dalawang daang piso ang inabot ng pasahero ko ay isang antigong susi na kulay ginto ang kanyang inabot sa akin.

Napatitig ako sa kanya pero hindi ko magawang maaninag ang mukha nito. Tumaas na naman marahil grado ng mata ko.

Wala itong sinabi pagka-abot ng susi. Direto itong pumasok sa madilim na kanto na para bang kinain ito ng anino mg siyudad at nawala bigla.

Hindo ko alam kung may halaga ba ang susi na ibinigay sa akin. May kabigatan ito at may magandang disensyo. Hindi man pera ay mukhang tiba-tiba ako dito oras na maisangla kinabukasan.

Ang oras noon ay pasado alas dose ng umaga. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naalala ang pangalawang rules ng managment namin:

2. Kung hindi sinasadyang natanggap ang bayad ng huling pasahero ay itapon ito agad.
Marahil dahil na rin sa tawag ng pangangailangan ay hindi ko ginawa ang pangalawang batas namin. Isa pa, bakot ka magtatapon ng grasya?

Minsan lang ito at isa pa walang nakakaalam; itinago ang susi saka dumiretos pauwi. Habang binabagtas ko ang interseksyon ay may mala-pader na usok na humarang sa aking daan. Hindi ako nagmenor o nag-signal light man lamang. Dire-diretso na ako sa usok na kakatuwa mang isipin ay may koneksyon sa ikatlong batas naming mga night shift driver:

3. Kung may makapal na usok na biglang magpakita habang hawak-hawak ang bayad ng huling pasahero, bumaba agad sa sinasakyan at ireport ito agad sa managament. Iwan ang sasakyan at huwag na huwag lilingon.

Pero tuloy-tuloy ako sa pagmamaneho ng halos umabot na ang andar ko sa nobenta nang biglang humampas ang aking ulo sa manibela at napaapak ako sa preno ng aking sasakyan.

Hindi ako nawalan ng malay pero ang salit ng pagkakatama ng aking ulo. Tingin ko nakadali ang harapan ng gamit kong oto. Mulansa windshield nakita ko ang bagay na aking nakabangga.

Hindi ito tao, hayop o bagay. Wala akong maisip na depinisyo dito dahil ano nga ba ang tawag sa nilalanh na kasing laki ng elf truck at tangan-tangan nito anh sariling ulo sa mga kamay niya?

Ramdam ko ang panginginig ng aking buto at pamumutla dahil sa takot. Humigpit ang hawak ko sa manibela at nawala na isip ko kung naka-lock ba ang mga pintuan ko o kailangan kong patayin ang mga ilaw sa sasakyan.

Sabagay huli na ang lahat para sa akin dahil mula sa bintana ay nakita ko ang buong paligid na tila nabuhay.

Ang bawat kongkreto, bato, poste at gusali ay tinubuan ng mukha at mga matang mapupungay, nanlilisik o hindi makapikit sa pagkakamulat.

Lahat sila ay nakatitig sa akin. Lahat sila ay may hindi mabasang ekapresyon sa mukha. Nagsitayuan na ang mga balahibo sa aking balat.

Tatawag sana ako for emergency pero ayaw ng mag-on ang aking phone kahit ilang bese kong pudpudin ang power button nito. Walang makakaalam sa GPS kung nasang lugar na ba ako o kung makakabalik pa ba ako sa totoo kong mundo.

Dito ko huling naalala ang huling batas ng management kapag minalas ka at dito mo sinunod ang mga naunang rule:

4. Kapag natagpuan ang sarili sa kakaibang lugar, agad patayin ang sarili.

Bwiset na susi yan. Imbes na ako ang magsasangla ay ako pa mismo ang isinangla.

Comments

Popular posts from this blog

BLUSANG ITIM (RE-IMAGINED) - PART 2

BLACK HOST (PART 2)

LAW OF FANGS AND CLAWS