Ang Inspirasyon Sa Santa Maria
(Warning: Might have some theme not suitable for young ages. Read at your own discretion) Bilang na ang maliligayang ni Tonyo sa siyudad. Simula ng hindi na mabilang ang mga nahuhuli at napapatay sa kanila; alam niyang darating ang araw na malamang mababangit din sa balita ang kanyang pangalan bilang isa sa mga nanlaban. Pero bago pa mahuli ang lahat ay nagdesisyun na siyang magimpake at magtago. Masyado ng maraming matang umaaligid sa kamaynilaan na dati’y itinuturing niyang paraiso. Ayaw niyang dumating sa punto na isa siya sa mga matitiktikan at sa huli’y humandusay sa isang eskinita na may karatulang nakasabit sa kanya. Gusto nya pang humithit. Gusto nya pang lumipad. “Kung ako sa iyo pards ititigil ko na yan imbes na umalis ka dito sa Maynila. Eh sang lupalop ka naman titira? Hindi ka na mabubuhay sa probinsya ngayon pards.” Nagaalalang sambit sa kanya ni Estong na kanyang roommate at kinalaunan ay naging barkada niya rin. Alam ni Estong na lulong si ...