Posts

Showing posts from February, 2020

ANG PINAKAMAHALAGANG DOWRY

Image
(First post for the year 2020! Hope everyone is having a good weekend. This story is once again is just a work of fiction...but who knows if there is a family that demand such dowry?) “Jimmy, tama?” Minabuti ni Jimmy na salubungin ang titig ng ama ni Rosafel pero hindi pa inabot ng tatlong segundo ay agad niya ring iniwas ang kanyang pagsulyap dito. Tumango ito ng marahan at ipinikit panandalian ang mga matang tila napaso sa pakikipagtitigan sa haligi ng tahanan ng mga Gutierrez. May kung ano sa mga titig na iyon ni Senyor Mauro ng tawagin niya ang kanyang ngalan sa boses nitong tila tinitimpi lang ang muhing itinatago sa likod ng iilang salita at matatalim na titig. Biglang naramdaman ni Jimmy ang mahigpit na pagkakawahak ni Rosafel sa kanyang kamay. Nang masumpungan ang maamong ngiti ng dalaga sa kanya ay bahagyang nilisan ng mga daga ang kanyang dibdib at mangilan-ngilan na lang ang mga paru-parong lumilipad sa kanyang sikmura. Nagpapasalamat na lamang ito at h